Lumakas pa ang posibilidad na may kinalaman ang North Korea sa pagnanakaw ng 81 milyong dolyar sa Federal Bank of New York noong nakaraang taon sa pamamagitan ng hacking.
Ayon sa Kaspersky Lab, isang cyber security firm na nakabase sa Russia, may mga nakuha silang digital evidence na posibleng magdiin sa North Korea sa krimen.
Nakapaloob umano ito sa 58 pahina nilang report sa Lazarus group.
Ang Lazarus ay isang grupo na isinasangkot sa 81 million dollar cyber heist at nasangkot na rin sa pag-atake sa Holywood Studio ng Sony noong 2014 na isinisi ng Amerika sa North Korea.
Nakapaloob di umano sa report ang direct connection ng North Korea sa Lazarus.
Kabilang sa findings ng Kaspersky ang paggamit ng Lazarus hackers ng IP address mula sa North Korea para kumunekta sa isang server sa Europa na ginamit naman para kontrolin ang mga sistemang pinatatakbo ng Lazarus.
By Len Aguirre