Determinado kapwa ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines o NDFP na ipursige ang peace process at posibleng pagpirma ng interim ceasefire agreement pagsapit ng April 6 o ika-apat na round ng peacetalks sa Netherlands.
Kasunod na rin ito nang pag amin ni Labor Secretary Silvestre Bello III, pinuno ng Government Peace Panel na mahirap tutukan ang interim ceasefire dahil sa magkakaibang paniniwala ng magkabilang panig.
Ayon naman kay NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison, ang bilateral ceasefire agreement ay maaaring malagdaan kapag natapos nang pirmahan ang CASER o Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms na ikinukunsiderang puso at kaluluwa ng peace process.
By Judith Larino