Tila nakikipag-matigasan pa ang Bureau of Immigration (BI) sa DBM o Department of Budget and Management kaugnay sa pondo para sa dagdag suweldo partikular ng immigration officers.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, Enero pa lamang ay sinabihan na niya ang immigration na magsumite ng budget request para sa dagdag suweldo ng kanilang mga tauhan dahil siya pa ang nasisisi sa mga usaping ito.
PAKINGGAN: Pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa panayam ng DWIZ
Mahigit 900 bagong posisyon binuo sa immigration ni Sec. Diokno
Nakabuo na ng mahigit 900 bagong posisyon sa immigration si Budget Secretary Benjamin Diokno.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Diokno bilang solusyon sa problema sa suweldo at overtime pay partikular ng immigration officers.
Sinabi ni Diokno na halos P100,000.00 na kada buwan ang suweldo ng Chief Immigration Officer at papalo naman sa halos P50,000.00 ang buwanang suweldo ng pinakamababang ranggo ng immigration officer.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino |Karambola Program (Interview)