Pinaki-usapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo at pulis na ibigay na lamang sa grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap ang kanilang mga housing unit sa Pandi, Bulacan.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati kasabay ng ika-120 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.
Nangako ang Pangulo na gagawa na lamang ng mas maganda at mas kumpletong housing unit para sa mga kawal ng gobyerno gayundin sa mga alagad ng batas.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasunod nito, may panawagan naman ang Pangulo sa grupong KADAMAY para sa mga pulis at sundalong una nang naka-okupa sa mga sinakop nilang pabahay ng gobyerno.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)