Itinuturo ng White House si Syrian Leader Bashar al-Assad bilang nasa likod ng malagim na chemical attack sa Syria na ikinasawi ng mahigit sa limampu (50) katao.
Kinondena ni United States President Donald Trump ang nasabing pag-atake at sinabing walang ibang dapat sisihin sa pangyayari kundi si Al-Assad.
Ayon naman kay United States Secretary of State Rex Tillerson, malinaw na si Al-Assad ang may utos ng pag-atake dahil sa pagiging brutal nito.
Kinondena rin ng United Kingdom, France at United Nations ang malagim na pag-atake.
By Krista de Dios
Photo Credit: Ammar Abdullah/Reuters