Nais ng Pangulong Noynoy Aquino na magtalaga ng bagong Philippine National Police (PNP) Chief na may matagal pang pagseserbisyo o yung matagal pa bago magretiro.
Ipinaliwanag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ito ay upang mahawakan at matutukang mabuti ang mga mahahalagang kaganapan sa hinaharap gaya ng APEC Summit at halalan sa 2016.
Bukod dito, isinasaalang-alang din aniya ng Pangulo sa pagpili ng bagong PNP Chief ang kuwalipikasyon at integridad nito.
“Yan po ang mga kunsiderasyon na tinitignan ng ating Pangulo, dahil kinakailangan na maging stable po yung leadership ng PNP, ayaw po ng Pangulo na maikli lamang ang magiging termino at magiging papalit-palit na naman habang nasa kalagitnaan tayo ng paghahanda para sa mahahalagang kaganapan.” Pahayag ni Coloma
By Ralph Obina | Kasangga Mo Ang Langit