Muli na namang nagkaroon ng fish kill sa bayan ng Pontevedra sa Negros Occidental.
Ayon sa mga otoridad, nakita ng mga residente ang maraming nakalutang na patay na isda sa Tuburan Creek sa Barangay Don Salvador Benedicto na ikalawang beses nang nangyari.
Kaagad nagsumbong ang mga residente sa local fisheries authorities na kumuha na ng water sample sa creek para sa kaukulang laboratory test.
Sinusuri pa ng DENR-Environment Management Bureau ang nakuhang tubig mula sa naunang fish kill noong Pebrero.
Mahigpit namang mino-monitor ng local officials sa Don Mariano Benedicto ang sitwasyon sa creek.
By Judith Larino