Ipinagbabawal muna pansamantala ang pagtungo sa Calaguas Island sa Vinzons, Camarines Norte dahil sa masamang panahon.
Ayon kay Petty Officer 2 Bobby Camacho ng Philippine Coastguard o PCG, mahigpit naman nilang mino-monitor ang lagay ng panahon para mabatid kung uubra ring makapaglayag ang mga bangka.
Kasabay nito, ipinabatid ng Coastguard na maayos na ang kalagayan ng mahigit 100 turista na halos dalawang araw na na stranded sa isla.
Bagamat ilan sa mga ito ay nakabalik na sa bayan ng Vinzons matapos bahagyang gumanda ang lagay ng panahon kahapon.
By Judith Larino