Muling hinimok ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang publiko na paghandaan ang “The Big One”.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, kailangan ang agresibong kooperasyon mula sa publiko at pribadong sektor upang mapaigting ang kahandaan sa pagtama ng lindol sa bansa.
Kasabay nito, inihayag ni Orbos na magsasagawa muli sila ng panibagong shake drill sa buwan ng Hunyo o Hulyo.
By Meann Tanbio