Inihayag ni Undersecretary Catalino Cuy na ikinararangal niya ang pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng DILG o Department of Interior and Local Government.
Sa inilabas na pahayag ni Cuy, nangako siyang hindi niya bibiguin ang tiwala ng publiko sa kanyang bagong tungkulin
Tiniyak din niya na pamamahalaan niya nang patas at may buong dedikasyon ang DILG at lahat ng sangay na sakop nito.
Matatandaang nasibak bilang kalihim ng ahensya na si Mike Sueno dahil umano sa korapsyon.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal