Pinakakasuhan ng NBI o National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman sina ERC o Energy Regulatory Commission Chairman Vicente Salazar at tatlong (3) iba pa.
Kaugnay ito sa maanomalyang kontratang pinasok nila Salazar hinggil sa audio-visual infomercial project para gamitin umano ni Salazar sa kaniyang pagtakbo noong nakalipas na halalan.
Maliban kay Salazar, kabilang sa mga inirekomendang kasuhan ng kriminal at administratibo sina Atty. Presia Benesa, Renante Reynoso at Luis Morelo dahil sa paglabag sa procurement law at anti-graft and corrupt practices act.
Magugunitang ang mga nabanggit ang sinasabing nag-pressure umano kay dating ERC Director Francisco Jun Villa Jr. na kapatid ng beteranang mamamahayag na si Charie Villa na siyang dahilan ng pagpapatiwakal nito.
By Jaymark Dagala | with report from Jill Resontoc (Patrol 7)