Ibinunyag ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing na binantaan siyang patatalsikin sa puwesto ng isa sa mga undersecretaries ng ahensya.
Sa isinagawang send-off ceremony para kay dating DILG Secretary Ismael Mike Sueno , sinabi ni Densing na hindi siya natatakot kahit matanggal sa puwesto dahil may babalikan naman aniya siya sa pribadong sektor.
Subalit tiniyak ni Densing na lalabanan niya ang mga nagbabanta sa kaniya kapag nalaman niyang balak ng mga itong mangurakot sa ahensya.
PAKINGGAN: Pahayag ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing
By Judith Larino |With Report from Jonathan Andal