Sinisiguro ng Malacañang na kumikilos ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para tukuyin at pigilan ang paglaganap ng pekeng bigas sa merkado.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny colOma, nagtutulong-tulong ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH) at National Food Authority (NFA) upang tugunan ang problema sa pagkalat ng mga pekeng bigas.
Sinabi ni Coloma na pangunahing prayoridad ng pamahalaan ay ang kaligtasan ng publiko.
“Masusi na nating pinag-aaralan at iniimbestigahan ito dahil dapat mapigil na at hindi dapat magkaroon ng kahit anino ng panganib sa kalusugan n gating mamamayan.” Paliwanag ni Coloma.
By Ralph Obina | Kasangga Mo Ang Langit