Sisimulan nang ipakalat ng PNP o Philippine National Police ang 70,000 mga pulis para magbigay ng seguridad ngayong Semana Santa at sa buong panahon ng summer vacation.
Ayon kay Supt. Elmer Cereno, police community relations group public information officer, maliban sa mga unipormadong pulis, magpapakalat rin sila ng mga naka sibilyang pulis na ihahalo sa publiko gaya ng mga mall, beach, terminal at maging sa loob mismo ng bus.
24 oras rin anya ang mga police assistance desk na ipakakalat nila sa mga matataong lugar.
Kasabay nito ay binalaan ni Cereno ang mga pulis na naka-duty ngayong bakasyon na iwasan ang madalas na paggamit ng telepono habang nasa duty at iwasan rin ang madalas na pakikipag kwentuhan.
By Len Aguirre |With Report from Jonathan Andal