Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang AFP o Armed Forces of the Philippines na postehan at okupahin na ang mga teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas sa West Philippine Sea
Sa kaniyang pagbisita kahapon sa Puerto Princessa sa Palawan, sinabi ng Pangulo na posibleng sa Pag-asa island niya pangunahan ang araw ng kalayaan sa Hunyo a-Dose upang duon itaas ang watawat ng Pilipinas
Tinatayang nasa walo hanggang siyam na isla ang mga pinag-aagawan ng Pilipinas at China sa Kalayaan group of islands kung saan, tanging ang Pag-asa pa lamang ang may nakatirang mga Pilipino
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
May pabirong plano rin ang Pangulo sa BRP Sierra Madre na isinadsad ng mga sundalong Pinoy sa ayungin Shoal na bahagi ng pinagtatalunang teritoryo
Samantala, nais ding palitan ng Pangulo ang pangalan ng Benham Rise sa Philippine Ridge upang maging mensahe sa buong mundo na ang Pilipinas ang siyang may karapatan sa naturang plateau o talampas sa ilalim ng dagat
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Jaymark Dagala