Dinemolish ng mga kawani ng Taskforce Clean up Manila, ang tindahan ng mga illegal vendors sa Divisoria.
Ayon kay Taskforce Clean Up Chief Che Borromeo, nagalit si Manila Mayor Erap Estrada nang makita ang video na nagbalikan ang mga tindero sa gitna ng kalsada.
Maari pa rin aniyang magtinda ang mga ito, yun nga lang, sa night market lang na nagsisimula mula ala sais ng gabi hanggang ala singko ng umaga.
By: Katrina Valle