Kinumpirma ni MMDA o Metropolitan Manila Development Authority General Manager Tim Orbos na madadagdagan na ang kanilang mga kagamitan kasunod ng pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang tanggapan, kamakailan.
Sinabi ni Orbos na kabilang dito ang CCTV cameras na importante para sa kanilang monitoring at ang body cameras para sa kanilang enforcers.
Tiniyak din ni Orbos na nakahanda ang kanilang mga kawani sa pagbabantay at pagmamando ng trapiko sa Holy Week.
“Kakabigay lang po ng approval na dagdagan ang CCTV natin, importante po yun dahil after Holy Week magsisimula na tayong gumamit ng mga bago, pero hindi lahat, medyo mahal eh.” Pahayag ni Orbos
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas (Interview)