Nilinaw ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang naging direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na pag-ukupa sa mga islang nasa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ang nais ng Pangulo ay ayusin ang kondisyon ng pamumuhay sa nasabing teritoryo ng bansa.
Kabilang dito aniya ang pag-aayos ng mga pasilidad tulad ng baracks at mapagkukunan ng mga inuming tubig.
PAKINGGAN: Si AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino |Ratsada Balita Program (Interview)