Walang tigil ang monitoring ng operation center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyong Egay.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan na wala pa ring naitatalang casualty sa pananalasa ng naturang bagyo sa Hilagang Luzon.
Gayunman, sinabi ni Marasigan na nakapagtala ang ahensya ng landslides sa mga probinsya ng Palawan at Benguet at pitong mga pagbaha sa La Union, Palawan at Kalinga Apayao.
Zero Casualty
Wala pang naitatalang nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa ilang araw nang pananalasa ng bagyong Egay.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, zero casualty pa rin ang tala ng ahensya bagamat nagkaroon ng tatlong insidente ng pagguho ng lupa at pitong insidente ng pagbaha sa La Union, Apayao at Palawan.
Samantala, tiniyak ng NDRRMC na nagpapatuloy ang clearing operations sa naturang mga lugar.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit | Ralph Obina