Idineklara na ni Egyptian President Abdel Fattah Al-Sisi ang tatlong (3) buwang state of emergency matapos ang magkasunod na pambobomba sa dalawang Christian Coptic Church na ikinasawi na ng halos limampung (50) katao at ikinasugat ng nasa isandaang (100) iba pa.
Inianunsyo ni Sisi ang “state of emergency” matapos niyang pulungin ang National Defense Council kasunod ng pag-atake na naganap sa gitna ng pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas.
Sa ilalim ng emergency law, pinalawak ang kapangyarihan ng mga pulis sa pag-aresto, pag-su-surveillance at maaaring malimitahan ang kalayaan sa Egypt.
Inako na ng grupong Islamic State ang dalawang pagpapasabog mga lungsod ng Alexandria at Tanta.
By Drew Nacino