Pinaalalahanan ng DOH o Department of Health ang mga magpi-penetensya ngayong Semana Santa laban sa sakit na tetano.
Ayon kay DOH Secretary Paulyn Jean Ubial, kung talagang hindi mapipigilan na mga deboto na magpenitensya ay dapat na siguruhing malinis ang mga gagamitin tulad ng mga pako, latigo at iba pa.
Mas mabuti din aniyang mag- pabakuna ng anti-tetanus serum upang maiwasan ang impeksyon.
Nagbabala si Ubial na dapat seryosohin ang tetanus dahil posible itong makaapekto sa utak at sa buong nervous system na maaring magbunsod sa kamatayan.
By Rianne Briones