Patay ang tatlong CAFGU o Citizens Armed Forces Geographical Unit sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng Militar at ng bandidong Abu Sayaf sa Sumisip, Basilan.
Ito ang kinumpirma ng Western Mindanao Command kung saan mayruon pang anim na sundalo at limang CAFGU ang nasugatan sa nangyaring bakbakan.
Ayon kay WESMINCOM Spokesperson Capt. Joan Petinglay, nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng 4th Special Forces Battalion ng joint Task Force Basilan nang tambangan sila ng mga bandido .
Tiniyak ni Petinglay na magpapatuloy hanggang Semana Santa ang hot pursuit operations ng militar sa lugar na may bakas ng dugo kung saan tumakas ang mga salarin.
By: Jaymark Dagala