Pumalo sa 36.2 degrees celsius ang temperatura sa Metro Manila, kahapon.
Ito na sa ngayon ang pinakamainit na temperatura na naitala ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Naitala ang 36.2 degrees celsius sa Science Garden Monitoring Station, Quezon City, dakong alas-4:00 ng hapon.
Umabot naman sa 40 degrees celsius ang heat index o init na naramdaman dahil sa mataas na humidity sa hangin.
Muling ibinabala ng PAGASA na asahang titindi pa ang maalinsangang panahon sa mga susunod na araw.
By Drew Nacino