Naka-heightened alert na ang gobyerno ngayong Semana Santa.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa mga paliparan, pantalan at iba pang transport terminal.
Epektibo na anya ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2017” habang nasa pitumpu’t limang libong (75,000) personnel na ang idineploy ng Philippine National Police (PNP) na nagpa-patrol sa iba’t ibang transport terminal sa bansa.
Mahigit isanlibo isandaang (1,100) special permits naman ang inisyu ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus operator upang i-accommodate ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero.
Para naman sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko, nag-deploy na ang Toll Regulatory Board (TRB) ng karagdagang personnel sa mga toll plaza.
Samantala, magsisilbi namang government caretaker si Executive Secretary Salvador Medialdea habang nasa Middle East si Pangulong Rodrigo Duterte.
By Drew Nacino