Tumitindi ang taggutom sa South Sudan.
Ayon sa humanitarian group na Norwegian Refugee Council o NRC, mga dahon at binhi na lamang ang kinakain ng mga South Sudanese dahil sa unti-unting pagka-ubos ng imbak na pagkain.
Naalarma naman ang NRC sa unti-unting pagka-ubos ng stock ng mga binhi dahilan upang bumaba ang produksyon ng mga agricultural product.
Tinatayang isang (1) milyong katao pa ang maaaring maapektuhan ng famine na resulta ng nagpapatuloy na civil war sa South Sudan.
By Drew Nacino