(To be updated)
Isang sundalo ang patay sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa bayan ng Inabanga sa Bohol.
Kinumpirma ito ni PNP chief director general Ronald Dela Rosa, base sa impormasyong ipinarating sa kanya ng hepe ng BOHOL-PNP.
Ayon kay Dela Rosa, narekober ang nasa tatlo hanggang apat na pump boat sa Inabanga.
Samantala, isang pulis at isang sundalo ang nasugatan sa nangyaring bakbakan.
By Meann Tanbio (With report from Jonathan Andal)