Pinayagan ng Sandiganbayan si PNP AIDG o Anti- Illegal Drugs Group Officer in Charge S/Supt. Eduardo Acierto na makalabas ng bnasa
Ito’y para dumalo sa isang kumperensya na ikinasa ng Philippine Coast Guard sa bansang Taiwan sa Abril a-diesi sais hanggang Abril a-beinte ng taong kasalukuyan
Si Acierto ay kapwa akusado ng sinibak na PNP Chief Alan Purisima at sampung iba pa dahil sa maanomalya ng transaksyon sa kumpaniyang Wherefast Courier Services nuong 2011
Giit ng kampo ni Acierto, kinakailangan ang kaniyang presensya sa nasabing pagtitipon ng Taipe-Philippines coastguard bilang pinuno ng anti-drug group ng PNP
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc