Bahagyang humina ang bagyong Egay habang mabagal na kumikilos pa-hilaga ng bansa.
Ayon sa PAGASA, matatagpuan ang sentro ng bagyo sa layong 155 kilometer hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
May dala itong hangin na may lakas na 75 kilometer per hour at pagbusgo na umaabot ng hanggang 90 kilometro per hour.
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility sa bagyong Egay sa Huwebes ng gabi.
Nakataas pa rin ang signal number two sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra habang nasa signal number one naman ang Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, Apayao, Kalinga, Mt. Province, La Union at Benguet.
Mananatili naman ang nararanasang pag-ulan at malakas na hangin sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila dulot ng bagyo at hanging habagat.
Kaugnay nito, kinansela ang klase iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig probinsya dahil sa matinding pag-ulan.
Wala ng pasok sa lahat ng antas sa sumusunod na mga lugar: Agoo , Aringay at Bauang sa La Union, Baguio, Benguet, Cainta- Rizal ,Antipolo City, Cavite, Makati,Malabon, Mandaluyong, Manila, Navotas, San Juan , Pateros, Obando- Bulacan, San Fernando at San Gabriel, La Union at Ilocos Sur.
Kanselado naman ang klase mula preschool hanggang highschool sa Paranaque, Caloocan,Pasay, Marikina, Valenzuela, Muntinlupa, Quezon City, Las Piñas, Pasig City, Alaminos- Pangasinan, Olongapo City, Calatagan, Balayan, Calaca, Lemery sa Batangas at Ilocos Norte.
By Rianne Briones