Patuloy ang mahigpit na seguridad na pinaiiral sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Sa Terminal 1, dagsa na ang pagdating ng mga papaalis na pasahero na maagang nagche-check in.
Samantala sa Terminal 3 naman, kakaunti pa lamang ang pasahero nitong madaling araw kumpara sa kaparehong oras kahapon.
Sa arrival area sa Terminal 3, maraming well-wishers na ang naispatan na naghihintay sa pagdating ng kanilang mga mahal sa buhay.
Inaasahang ngayong araw na ito na huling working day sa linggong ito ay dadagsa pa ang mga pasaherong aalis at dadating patungo at mula sa mga lalawigan at ibang bansa.
By Judith Larino | with report from Raoul Esperas (Patrol 45)
Mahigpit na seguridad sa NAIA ipinatutupad was last modified: April 12th, 2017 by DWIZ 882