Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa Emir ng Qatar na si Sheikh Hamad Bin Khalifa Al-Thani mamayang alas-4:15 ng hapon, oras sa Pilipinas.
inaasahang iaapela ng Pangulo ang paggawad ng pardon sa tatlong OFWS na nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa kasong espionage at economic sabotage.
lalagdaan din ang ilang mahahalagang kasunduan na, kabilangan na ang agreement sa vocational technology, agriculture at medical services.
bukas, bago mag-alas kwatro ng madaling araw, inaasahang darating sa bansa ang Pangulo, kasabay ng 150 runaway OFW’S na pinayagang makauwi ng Saudi government.
By: Meann Tanbio