Ito ang paglilinaw ngayon ni Bohol Governor Edgar Chatto sa kabila ng sagupaan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group sa Inabanga sa naturang lalawigan.
Ayon kay Chatto, hindi naman naapektuhan ng naturang insidente ang turismo sa Bohol dahil nitong Semana Santa ay marami pa rin ang bumiyaheng turista sa kanilang lugar at punong puno din ang mga hotel sa probinsya.
Ipinaliwanag ni chaTto na malayo naman ang pinangyarihan ng engkwentro na nasa walumpung (8) kilometro aniya mula sa Tagbilaran City.
Traumatized
Inamin naman ni Bohol Governor Edgar Chatto na marami sa mga residente ng Inabanga ang na-trauma sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Abu Sayyaf noong nakaraang linggo.
Partikular aniyang na-trauma sa pangyayari ay mga batang residente doon.
Dahil dito, isinailalim na sa psychological debriefing ang mga mamamayan ng Inabanga.
Samantala, inaalam pa ni Chatto kung ang Bohol ba o ang Cebu ang tunay na target ng mga bandido sa kanilang pag-atake.
By Ralph Obina
Bohol tiniyak na nananatiling mapayapa was last modified: April 17th, 2017 by DWIZ 882