Inaasahang nasa animnalibong (6,000) trabaho ang magbubukas sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, resulta ito ng mga napirmahang trade agreements ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang private companies sa Qatar.
Sinabi ng Kalihim na mataas ang kumpiyansa ng mga kumpanya sa Qatar na mamuhunan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga inaasahang puwedeng pasukan ng mga Pinoy ay ang mga industriya na may kinalaman sa health, defense, tourism at marami pang iba.
By Ralph Obina
*Photo Credit: Presidential Communications Operations Office