Nalalagay umano sa peligro ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa kawalan ng insurance.
Sinasabing binarat umano ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang budget para sa insurance ng mga empleyado ng ahensya.
Dahil dito, posible umanong maharap sa kasong administratibo at kriminal si Tolentino sakaling may mapahamak na MMDA personnel sa kabiguang sundin ang nakasaad sa Republic Act 656 o Property Insurance Law.
Lumulutang ang halos P210 million pesos na halaga ng insurance coverage ng MMDA para sa 8-storey main building nito, equipment at furniture.
By Judith Larino