Nanindigan ang AFP o Armed Forces of the Philippines na hindi palyado ang kanilang intellegence gathering.
Ito’y makaraang mapaulat na may dalawang sibilyan ang nasawi sa kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng Abu Sayaf sa Inabangga, Bohol kamakailan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, nagsilikas na ang mga residente ng inabangga bago nangyari ang putukan batay sa intell report na kanilang natanggap.
Hindi aniya maaaring manawagan pa sila ng paglikas sa mga residente habang nangyayari ang engkuwentro.
AFP nilinaw na walang banta ng seguridad sa Bohol matapos ang bakbakan
Nilinaw ng AFP o Armed Forces of the Philippines na walang banta ng terorismo sa Inabangga, Bohol kung saan napaulat ang presensya ng Abu Sayyaf
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, maituturing nang mahina ang puwersa ng mga bandido lalo’t marami sa kanilang mga kasamahan kabilang na ang asg leader at itinuturing na tagapagsalita nitong si Abu Rami ay napatay sa bakbakan
Giit din ni Arevalo na kanila nang inilipat sa PNP o Philippine National Police ang pangangalaga sa seguridad matapos ang kanilang combat operations
Samantala, iniimbestigahan na rin ng PNP ayon kay Arevalo ang pagkamatay ng mag-asawang sibilyang sina Constancio at Crisanta Petalco sa operasyon ng militar laban sa mga bandido
Sinasabing sa bahay ng mag-asawang Petalco naghimpil ang mga bandido sa kasagsagan ng engkuwentro
By: Jaymark Dagala