Sunod na pau-uwiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may-sakit na OFW o Overseas Filipino Workers na naiwan sa Saudi Arabia.
Ito’y makaraang isama ng Pangulo sa kaniyang pag-uwi kahapon ang mahigit isandaan at tatlumpung OFW’S na nabigyan ng amnesty sa nasabing bansa.
Ayon sa Pangulo, bibigyang prayoridad ng kaniyang administrasyon ang mga may karamdaman at may kapansanang OFW dahil sa kanilang pagganap sa trabaho.
Binigyang diin pa ng Pangulo na minsan nang nakatulong ang mga ito sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga ipinadadala nilang Dolyar kaya’t makatuwiran lamang na suklian ito ng pamahalaan.
Una rito, nakarating sa Pangulo ang ulat na may ilang OFW na nawalan ng paningin habang hinihintay na mapauwi sa Pilipinas kaya’t nais niyang maasikaso agad ang mga iyon.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping