Nangako ng tulong ang DSWD o Department of Social Welfare and Development sa mga katutubong Lumad na umano’y biktima ng militarisasyon sa Mindanao.
Ito ang naging resulta ng pakikipagpulong ng mga Lumad kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo makaraang magkampo ang mga katutubo sa harap ng tanggapan nito sa Quezon City mula pa nuong Abril 11.
Ayon kay Jun Monsod, pinuno ng mga katutubo, tiniyak sa kanila ng kalihim ang agarang ayuda sa kanilang komunidad upang makabangon sa ilang dekadang pangha-harass sa kanila.
Hiniling din ng mga katutubo kay Taguiwalo na tuluyan nang paalisin ng pamahalaan ang mga sundalo sa kanilang mga pamayanan upang maging ganap na ang kanilang pagbangon mula sa pait na kanilang sinapit sa mga iyon.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc