Binigyan ng 15 ng Bureau of Customs ang kumpaniyang Skyjet Magnum Air Incorporated para makapagsumite ng mga kaukulang dokumento para sa kanilang aircraft o eroplano.
Batay sa ulat ng customs makaraang magsagawa ng inspeksyon, lumalabas na ginagamit ng Skyjet ang kanilang mga maliliit na eroplano para maghatid ng pasahero sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Babala naman ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon, ipasasara nila at ikakadena ang mga eroplano ng Skyjet sakaling hindi ito makasunod sa itinakda nilang palugit .
Taong 2014 pa umano nang maalis sa listahan ng Subic Bay Freeport ang operator ng Skyjet at ipahinto ang operasyon nito sa parehong taon.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco