Sugatan ang hindi bababa sa pito (7) katao sa dalawang magkasunod na pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa Tacurong City.
Ayon kay Sultan Kudarat Provincial Police Director Senior Supt. Raul Supiter, nangyari ang magkasunod na pagsabog dakong alas-6:00 at alas-7:10 kagabi sa isang gasoline station sa nabanggit na siyudad.
Aniya, kabilang sa mga nasugatan ang dalawang sundalo at tatlong pulis na rumesponde sa unang pagsabog.
Dalawang salarin naman ang naaresto ng mga awtoridad na nakuhanan pa ng granada.
Una rito, isang text message ang kumalat kaugnay sa umano’y planong pagpapasabog ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Tacurong City, Koronadal, General Santos Cotabato City, Mindsayap, North Cotabato at Davao City upang ipaghiganti ang pagkasawi ng ilang Abu Sayyaf Group member sa Bohol.
By Krista de Dios
7 katao sugatan sa pagsabog sa Tacurong Sultan Kudarat was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882