Sumentro sa sitwasyong pangseguridad ang security briefing na ibinigay ng AFP o Armed Forces of the Philippines kay Vice President Leni Robredo.
Ito’y makaraang bumisita si Robredo sa Kampo Aguinaldo bilang pagtugon sa naging imbitasyon sa kaniya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Paglilinaw ni AFP Public affairs Chief Col. Edgard Arevalo, hindi napag-usapan sa nasabing pulong ang usapin ng destab o tangkang pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.
Magugunitang lumutang ang ulat na tinitiktikan o minamanmanan umano ng militar ang Pangalawang Pangulo, bagay na mariin namang itinanggi nuon ng AFP.
By: Jaymark Dagala