Hinarang ng Korte Suprema ang hakbang ng Quezon City Government hinggil sa pagpapatupad ng kanilang ordinansa na nagpapataw ng mataas na real property tax.
Alinsundo na rin ito sa inihaing petisyon ng Alliance of Quezon City Home Owner’s Association Incorporated na kumokontra sa Ordinance Number 2256 na ipinalabas ng lokal na pamahalaan.
Nakasaad sa nasabing ordinansa ang pagtaas ng hanggang limandaang porsyento ng halaga ng mga lupain sa buong lungsod.
Kasunod nito, tataas na rin ng hanggang isandaan at tatlumpung porsyento ang aktuwal na buwis na babayaran ng mga residente at negosyante sa lungsod.
Dahil dito, inatasan ng high tribunal ang magkabilang panig na magsumite ng kanilang komento hinggil sa isinampa nilang mga petisyon sa loob ng sampung araw.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo