Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si US President Donald Trump sa Nobyembre.
Kabilang sa Trump sa labing-apat (14) na heads of state na inaasahang dadalo sa 50th anniversary celebration ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa November 13 hanggang 14.
Ayon kay Tourism Director for Central Luzon Ronnie Tiotuico, makakasama ng pangulo ng Amerika ang mga kapwa leader mula sa sampung (10) ASEAN member-countries maging sina Russian President Vladimir Putin at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.