Itinuturing na hamon para sa pambansang pulisya ang pagbaba ng bilang ng mga nasisiyahan sa kampaniya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Ito’y makaraang bumagsak sa 66 na posyento o 11 porsyento ang net satisfaction ratings ng war on drugs sa SWS o Social Weather Stations survey mula sa dating 77 porsyento nuong isang taon.
Ayon kay PNP Spokesman Sr/Supt. Dionardo Carlos, muli nilang sisikaping mapataas ang naturang mga numero lalo’t indikasyon aniya iyon kung gaano kataas o kababa ang suporta ng publiko sa kanilang kampaniya.
Ngunit sa nasabing survey din, sinasabing bumaba ang bilang ng mga Pinoy na natatakot mabiktima ng extra-judicial killings na ayon kay Carlos na pagpapatunay lamang na walang EJK sa Pilipinas.
By: Jaymark Dagala