Kibit balikat na lamang ang Malakaniyang sa kaliwa’t kanang pagtutol sa planong paggagawad ng parangal kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, pawang mga aligasyon lamang at walang batayan ang mga ibinabato sa Pangulo kaya’t hindi na iyon dapat pag-aksayahan ng panahon.
Nilinaw ni Panelo na bagama’t umuugong ang nasabing plano, wala silang natatanggap na pakikipag-ugnayan mula sa nasabing pamantasan hinggil dito.
Una nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing parangal dahil sa nakokornihan siya rito.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping