Inihihirit ng ALU-TUCP o Associated Labor Union Trade Union Congress of the Philippines ang limandaang pisong (P500.00) buwanang subsidy para sa mga minimum wage earner.
Sinabi ng grupo na halos lahat ng suweldo ng minimum wage earners ay napupunta sa mga bayarin partikular sa kuryente at tubig.
Ayon kay Alan Tanjusay, spokesman ng grupo, ang nasabing subsidy ay maliit na tulong lamang para sa mga manggagawa kayat tiwala silang pagbibigyan ito ng gobyerno.
By Judith Larino
Photo Credit: Alan Tanjusay Facebook