Mas tataas pa ang presyo ng bigas kapag hindi natuloy ang pag-aangkat ng bigas.
Ayon ito kay Ramon Clarete ng UP School of Economics kasunod ng plano ng Department of Agriculture o DA na itigil na ang rice importation para mapaboran ang mga lokal na magsasaka.
Sinabi ni Clarete na kapag binili sa bansa ang lahat ng supply ng bigas, magkakaroon aniya ng kumpetisyon sa local traders para sa stocks at kapag bumaba ang stocks, tiyak aniyang tataas ang presyo.
Una nang ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa NFA o National Food Authority na bumili ng bigas sa local farmers bago mag-angkat.
By Judith Larino