Nananatiling ligtas na lugar ang Pilipinas para sa mga turista sa kabila ng mga travel advisory ng ilang embahada hinggil sa mga terror attack sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Tourism Secretary Wanda Teo sa gitna ng mga ulat na sinimulan ng kanselahin ng mga turista lalo ng mga dayuhan ang kanilang naka-planong bakasyon sa Pilipinas.
Ayon kay Teo, sa katunayan ay tumaas ang bilang ng mga dumarating na turista ngayong taon kumpara noong 2016 sa kabila ng bakbakan ng militar at Abu Sayyaf.
Sa datos ng Department of Tourism (DOT), umabot na sa isa punto dalawang (1.2) milyon ang tourist arrival simula Enero hanggang Pebrero.
Kumpara ito sa mahigit isang milyon at siyamnapung libong (1,090,000) turista sa kaparehong panahon noong isang taon.
By Drew Nacino
PH tourist arrival tumaas sa kabila ng mga travel warning was last modified: April 21st, 2017 by DWIZ 882