Isinisi ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo kay dating Pangulong Noynoy Aquino ang umiinit na maritime dispute ng Pilipinas at China.
Ayon kay Ginang Arroyo, hinamon ng Aquino administration ang China na naging dahilan ng pagpapatayo ng mga artificial island sa South China at West Philippine Seas.
Kung hindi anya naghain ang nakaraang administrasyon ng arbitrary case laban sa Tsina ay marahil walang mga artificial island o itinataboy na mga mangingisdang Filipino sa pinag-aagawang karagatan.
Ipinagmalaki rin ng kongresista na wala namang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China noong panahon niya subalit nagkalamat ang relasyon ng dalawang bansa nang pumasok na ang Aquino administration.
Inihayag naman ni Ginang Arroyo na dapat ipagpatuloy ang economic ties ng Pilipinas sa China sa halip na makipag-away upang mapanatili ang kapayapaan sa West Philippine Sea.
By Drew Nacino
Maritime dispute ng PH at China isinisi kay dating PNoy was last modified: April 21st, 2017 by DWIZ 882