Kinansela na ng apatnaraang (400) Japanese tourists ang kanilang biyahe sa Pilipinas.
Ito ay matapos ang nangyaring bakbakan ng tropa ng militar at grupo ng Abu Sayyaf sa Inabanga Bohol.
Ayon kay Raka Tours Chair Alejandra Clemente pangunahing concern ng mga turistang ito ay ang kanilang seguridad kayat nagpasyang kanselahin o mag-iba ng biyahe sa Pilipinas.
Una rito, nagpalabas ng travel advisory ang Estados Unidos, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand , France at South Korea dahil sa banta umano ng terorismo sa Central Visayas.
By Ralph Obina
400 Japanese tourist nagkansela ng biyahe sa Pilipinas was last modified: April 21st, 2017 by DWIZ 882