Walang dapat ikabahala ang Pilipinas sakaling maghain ng protesta ang China sa sandaling simulan na ang serye ng konstruksyon ng iba’t ibang pasilidad sa Pagasa Island.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pangkaraniwan na lamang ang nasabing hakbang sa tuwing may itinatayo ang Pilipinas sa mga islang sakop nito sa West Philippine Sea.
Gayundin naman aniya ang ginagawa ng Pilipinas nuong mga panahong ang China naman ang nagtatayo ng mga istruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Kasunod nito, naniniwala ang kalihim na hindi mag-uudyok ng tensyon ang ginawa niyang pagbisita sa Pagasa Island kahapon.
By: Jaymark Dagala