Nagpalabas ng paalala ang FDA o Food and Drugs Administration sa publiko hinggil sa mga ginagamit na inflatable toys para sa mga bata.
Kaugnay ito sa pagdagsa ng mga Pilipino sa mga dalampasigan at pool resorts ngayong panahon ng tag-init.
Giit ng FDA, walang maibibigay na katiyakan ang mga inflatables dahil posible ang pagsingaw ng hangin dito na siyang maglalagay sa peligro sa mga bata.
Pinapayuhan ng FDA ang mga magulang na suriing mabuti ang kanilang mga bibilhing inflatables at kailangang bantayan ang mga bata sa paggamit niyon.
By: Jaymark Dagala